--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinabulaanan ng PNP Ilagan ang umano’y hit and run incident na kinasangkutan ng isang Pulis na kumitil sa buhay ng isang menor de edad.

Inihayag ni PCPT Noralyn Andal- Public Information Officer ng City of Ilagan Police Station na walang hit and run incident sa aksidentenng ikinasawi ng isang estudyante ,17- anyos na residente ng Sta. Isabel Norte.

Batay sa pahayag ni Pat. Franklyn John Laciste na nawalan siya ng kontrol sa manibela ng maganap ang insidente kung saan nasalpok niya ang biktimang lulan ng motorsiklo na naging sanhi ng agaran nitong pagkasawi.

Aniya dahil sa takot na kuyugin ay agad na dumiretso sa himpilan ng City of Ilagan Police Station si  Pat. Laciste para sumuko matapos ang aksidente.

--Ads--

Dahil sa dumadaming aksidente sa kalsada pina-alalahanan ng Pulisya ang mga motorista na hanggat maaari ay sundin ang traffic rules and regulation gayundin na magsuot ng helmet o safety gear kung nagmamaneho ng motorsiklo.

Pinayuhan din nila ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at kung maaari ay huwag payagan na magmaneho kung walang suot ng helmet.