--Ads--

Nagsasagawa na ng monitoring ang Philippine National Police (PNP) sa mga umano’y online groomer na target ang mga menor de edad upang hikayatin o impluwensiyahan na gumawa ng krimen at iba pang karahasan.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang kanilang imbestigasyon at monitoring sa mga internet user na posibleng nasa likod ng panggogroom sa mga menor de edad.

Kasunod ito ng nangyaring pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Zamboanga noong Agosto 18.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na posibleng naimpluwensiyahan ng online games ang batang suspek sa insidente.

--Ads--