Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na wala pa itong natatanggap na opisyal na abiso kaugnay ng umano’y arrest warrant laban kay Senator Rodante Marcoleta.
Ayon kay PNP Information Chief at spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, wala pang opisyal na komunikasyong dumarating sa kanilang tanggapan hinggil sa naturang warrant.
Sinabi rin ni Co na handa ang PNP na ipatupad ang anumang warrant na magmumula sa mga kinauukulang awtoridad sa sandaling ito ay kanilang matanggap.
Nahaharap si Marcoleta sa mga reklamong plunder at bribery na isinampa sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y pagtanggap ng P75 milyong campaign donations noong nakaraang taon.
Samantala, iginiit ni Marcoleta na ang reklamong plunder laban sa kanya ay may layuning patahimikin siya sa kanyang mga pahayag tungkol sa umano’y mga anomalya sa mga flood control projects at bago ang impeachment trial ng kanyang kaalyado na si Vice President Sara Duterte.











