--Ads--

Inaresto ng mga pulis si Atty. Levito Baligod at 14 pang indibidwal na tinaguriang Maleta Boys dahil sa kasong unjust vexation sa San Juan City nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 16.

Dinala sa presinto ang grupo matapos silang silbihan ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) sa Iba, Zambales. Isinagawa ang pag-aresto kasunod ng pagkakansela ng kanilang arraignment sa San Juan RTC.

Ayon sa kampo ni Baligod, nagulat sila sa naging hakbang dahil wala umano silang natanggap na paunang resolusyon hinggil sa kaso.

Bago dalhin sa istasyon ng pulisya para sa kaukulang proseso, binasahan muna ng Miranda rights ang grupo.

--Ads--

Itinakda ng korte sa ₱10,000 ang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng bawat isa.

Si Baligod ang abogado ng mga indibidwal na nagpakilalang dating bodyguard ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co. Sila ang naglahad ng mga alegasyon hinggil sa umano’y paghahatid ng mga maleta ng pera kaugnay ng mga maanomalyang flood control project.

Samantala, iniulat na apat sa orihinal na 18 indibidwal ang bumawi sa kanilang mga naunang pahayag at humiwalay sa grupo, na kalaunan ay nakilala bilang Brave 14.