Mas pinagting ng mga kapulisan ng Reina Mercedes ang police visibility sa kanilang nasasakupan bilang hakbang upang mapanatili ang peace and order situation sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Jeremias Veniegas, Deputy Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, sinabi niya na 24/7 ang kanilang police visibility sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mobile patroling, baranay visitiations, at checkpoints para sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.
Batay sa kanilang monitoring, madalas pa ring maitala ang vehicular accident sa kanilang nasasakupan dahil na rin sa stretch ng national highway ng naturang bayan.
Dahil dito, mahigpit ang ginagawa nilang pagpapatupad sa mga traffic ordinances. Nagsasagawa rin sila ng information dissemination at Barangay visitation upang mapaalalahanan ang publiko lalong lalo na ang mga motorista sa tamang pagmamaneho at pagbaybay sa mga kakalsadahan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang kampanya ng mga kapulisan laban sa ilegal na droga. Maliban sa pagmonitor sa mga newly identified drug personality ay patuloy pa rin nilang binabantayan ang mga dati nang nasagkot sa ilegal na drogar upang matiyak na hindi na sila bumalik sa dati nilang gawain.
Kasabay nito, ayon kay PCapt. Veniegas ay hindi nila pinapabayaan ang kalusugan ng kanilang mga personnel lalo na ngayong nararanasan ang matinding init ng panahon upang makaiwas sa mga heat related illenesses gaya na lamang ng heat stroke.
Katuwang nila rito ang Rural Health Unit ng Reina Mercedes para monitoring ng kalusugan ng mga PNP personnel.











