--Ads--

Pumanaw na si Pope Francis ngayong Lunes ng umaga, Abril 21, 2025, sa edad na 88, ayon sa opisyal na pahayag ng Vatican.


Siya ang kauna-unahang Latin American at Jesuit na papa, at nagsilbi bilang pinuno ng Simbahang Katoliko sa loob ng 12 taon mula noong 2013.

Si Pope Francis, na ipinanganak bilang Jorge Mario Bergoglio sa Buenos Aires, Argentina, ay kilala sa kanyang mapagpakumbabang istilo ng pamumuno. Sa kabila ng kanyang mga karamdaman, kabilang ang chronic lung disease at pneumonia, nanatili siyang aktibo sa kanyang mga tungkulin.

Sa pagpanaw ng Santo Papa, magsisimula ang tradisyunal na 9 na araw ng pagluluksa na tinatawag na Novendiale. Pagkatapos nito, magtitipon ang College of Cardinals sa Sistine Chapel upang magsagawa ng conclave para pumili ng bagong papa.

--Ads--

Sa kasalukuyan, 138 sa 252 na mga Cardinal ang may karapatang bumoto, at kinakailangan ng 2/3 ng boto upang mahalal ang susunod na Santo Papa.

Kung matatandaan ilang Linggo na nanatili sa Gemelli Polyclinic Hospital sa Roma si Pope Francis matapos na tamaan ng double pneumonia.

Kahapon ay ibinahagi pa ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean of the College of Cardinals ang Homily ng Papa sa Easter Vigil na ginanap sa St Peter’s Basilica.