--Ads--

Posibleng tumaas ng P9.50 hanggang P10 kada litro ang presyo ng diesel at P4 hanggang P4.50 kada litro naman sa gasolina sa susunod na linggo.

Batay ito sa unang dalawang araw ng trading ngayong linggo sa Mean of Platts Singapore o MOPS at sa average ng foreign exchange rate, ayon sa isang source mula sa industriya.

Samantala, sinabi ng Department of Energy nitong Martes na wala pa itong nakikitang senyales na babagal ang presyo ng langis, kasabay ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Maaari pa namang magbago ang naturang pagtaya habang nagpapatuloy ang trading ngayong linggo.

--Ads--