--Ads--
Muling tumaas ang presyo ng gasolina at diesel na epektibo kaninang alas-6 ng umaga ngayong araw ng Martes, Mayo 5,
Ipinatupad ng Shell Pilipinas at Seaoil Philippines ang panibagong galaw sa presyo ng langis.
Ayon sa abiso, tumaas ng ₱2.21 kada litro ang gasolina habang nadagdagan ng ₱2.66 kada litro ang diesel. Samantala, bumaba naman ng ₱3.53 kada litro ang presyo ng kerosene.
Matatandaang nagkaroon naman ng mga rollback sa presyo ng produktong petrolyo noong mga nakaraang linggo bago muling tumaas ngayon, na inaasahang makakaapekto sa gastusin sa transportasyon at presyo ng mga pangunahing bilihin.
--Ads--











