--Ads--
Bumaba ng ₱1.30 kada litro ang presyo ng diesel habang tumaas naman ng ₱1.93 ang gasolina at ₱3.30 ang kerosene ngayong araw ng Martes, Oktubre 6, ayon sa Department of Energy (DOE).
Inaasahan ding tumaas ng ₱17.33 kada kilo o ₱190.63 kada regular na tangke ang presyo ng cooking gas.
Ayon sa DOE, nanatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Samantala, noong nakaraang linggo ay nagpatupad ang mga kumpanya ng oil price rollback na ₱0.24 kada litro sa gasolina, ₱7.57 sa diesel at ₱5.85 sa kerosene.
--Ads--











