--Ads--

Posibleng magmahal ang kape sa Pilipinas simula Disyembre hanggang unang quarter ng 2027 dahil sa kakulangan ng suplay sa buong mundo, pagkaantala ng shipment at mababang ani.

Ayon sa Philippine Coffee Board Inc. (PCBI), mas maaapektuhan ang maliliit na coffee shop dahil sa tumataas na presyo at hirap sa pagkuha ng imported na coffee beans.

Posibleng bumaba sa 30,000 metriko tonelada ang lokal na produksyon ng kape ngayong taon dahil sa pagtaas ng gastos sa pagsasaka at epekto ng El Niño.

Sa kasalukuyan, tinatayang 40 porsiyento lamang ng pangangailangan ng bansa sa kape ang natutugunan ng lokal na produksyon.

--Ads--

Samantala, sinabi ng Department of Agriculture na patuloy nitong palalakasin ang suporta sa mga magsasaka upang mapataas ang produksyon at mabawasan ang pagdepende ng bansa sa imported na kape.