--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang private employee matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang truck sa pambansang lansangan na bahagi ng Brgy. Rugao, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station kinilala ang nasawing biktima na si Leymar Bautista, 26- anyos at residente ng Brgy. Bangag, City of Ilagan habang ang truck ay minamaneho ni Lorimar Lugo, 38-anyos, may kinakasama at residente of Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya binabagtas ng dalawang sangkot na behikulo ang pambansang lansangan sa magkasalungat na direksyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa pakurbang bahagi ng kalsada dahil sa mabilis na patakbo ni Bautista ay umagaw umano siya ng linya dahilan para aksidenteng mabangga ng paparating na truck.

--Ads--

Nadamay din sa insidente ang nakaparadang pampasarehong jeep na pagmamay-ari naman ni Ronaldo Manuel.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang tsuper ng motorsiklo at nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.