--Ads--

Iniimbestigahan ng mga health authorities ng São Paulo, Brazil ang isang hihinalaang kaso ng Ebola na naiulat noong Sabado.

Ayon sa mga opisyal, isang lalaki na nagmula sa Democratic Republic of Congo ang nakaranas ng lagnat matapos ang kanyang kamakailang pagbisita sa nasabing bansa sa Africa, kung saan kasalukuyang may paglaganap ng Ebola.

Nasa isolation ang pasyente sa isang ospital na nakalaan para sa pangangalaga ng mga hinihinala o kumpirmadong kaso ng naturang sakit, ayon pa sa pahayag ng mga awtoridad.

Patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri at beripikasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung positibo nga sa Ebola ang pasyente.

--Ads--

Samantala, mahigpit na binabantayan ng mga opisyal ang sitwasyon upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit habang isinasagawa ang imbestigasyon.