--Ads--

Ito ang kauna-unahang pagpasok ni Cignal star spiker Erika Santos sa finals ng Premier Volleyball League (PVL), kaya determinado siyang hindi sayangin ang pagkakataong makuha ang kampeonato.

Ayon kay Santos, masaya at malaking karanasan para sa kanya ang pag-abot sa finals, lalo na’t ito ang unang beses niyang makalaro sa ganitong yugto ng torneo. Aniya, ibibigay niya ang kanyang buong makakaya.

Nakuha ng Super Spikers ang unang finals berth ng 2026 PVL All-Filipino Conference matapos talunin ang Farm Fresh Foxies at Creamline Cool Smashers sa single round-robin semifinals. Samantala, nagtapos ang Creamline sa semis na may 2-1 panalo matapos manaig laban sa PLDT High Speed Hitters at Foxies.

Magsisimula ang best-of-three championship series ng Cignal at Creamline sa Martes sa Smart Araneta Coliseum.

--Ads--

Ayon pa kay Santos, matagal na nilang pinapangarap ang ganitong pagkakataon kaya’t malaking bagay para sa kanila ang makarating sa finals.

Matatandaang tinalo ng Creamline ang Cignal sa preliminaries, ngunit nakabawi ang huli sa Qualifying Round at semifinals.