Opisyal nang nagsimula ang qualifying rounds para sa ilang mga athletic games sa Cagayan Valley Regional Athletics Association o CAVRAA 2025 sa Lungsod ng Santiago.
Ito ay kinabibilangan ng Runs, Throws, Jumps,Paralympics at maging ang swimming at iba pang sporting events.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coach Joel Danao, tournament director ng larong badminton, sinabi niya na iba ang lebel ng kahandaan ng mga manlalaro ngayong taon.
Aniya, lahat ay dekalibre at kayang makipagsabayan kaya positibo siya na sinumang mananalo ay magiging malakas na pambato ng Rehiyon para sa Palarong Pambansa.
Bagaman ang Santiago City ang powerhouse sa larong kanyang minamandohan, hindi dapat aniya magtitiwala ang mga pambato ng host city dahil malalakas ang bawat kalahok.
Pinuri rin nito ang playing venue ng mga atleta dahil hindi mainit at well-ventilated kaya komportble ang mga manlalaro.