--Ads--

Nanawagan ang Philippine Red Cross Santiago City Chapter sa publiko na mag-donate ng dugo matapos makaranas ng kakulangan ng supply ng dugo sa lungsod.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jhun Pablo Durias, Officer-in-Charge ng Philippine Red Cross Santiago City Chapter, kasalukuyang limitado ang stocks ng dugo, pati na rin ang bilang ng mga nagdo-donate nito, kung kaya’t patuloy ang kanilang panawagan sa mga kwalipikadong indibidwal na magbigay ng donasyon.

‎Dagdag ni Durias, bukas ang Red Cross sa pagtanggap ng blood donors mula Lunes hanggang Biyernes, at maaaring dumalaw ang mga nais mag-donate sa kanilang tanggapan sa lungsod ng Santiago.

‎Sa ngayon, may apatnapu’t tatlong units ng screened blood na bagong dating at handa nang gamitin para sa mga pasyenteng nangangailangan. Gayunman, iginiit ng Red Cross na kinakailangan pa rin ang tuloy-tuloy na donasyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga ospital at pasyente.

--Ads--

‎Patuloy naman ang paanyaya ng Philippine Red Cross sa lahat ng qualified blood donors na maglaan ng oras upang makatulong sa pagsalba ng buhay.