Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan bilang paghahanda sa ika-48 ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong na nakatakdang ganapin sa Mayo 6–8, 2026.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga pangunahing isusulong ng Pilipinas bilang host country, kabilang ang energy security, food security, at ang proteksyon ng mga mamamayan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Binigyang-diin ng Pangulo ang pagpapatupad ng isang whole-of-government approach upang matiyak ang maayos, koordinado, at epektibong pagho-host ng bansa sa nasabing summit.
Gaganapin ang ASEAN Leaders’ Summit sa Cebu sa Mayo 7–8, kung saan inaasahang dadalo ang mga lider at delegado mula sa iba’t ibang bansang kasapi ng ASEAN.











