Inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang taas pasahe sa mga pampasaherong sasakayan.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez na magiging epektibo ito sa Setyembre 28.
Base na rin ito sa rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tanggalin na nag suspensiyon ng taas pasahe na nagsimula noong Marso 2026.
Dagdag pa ng Kalihim na napapanahon ang pagtaas ng pamasahe para magkaroon ng sapat na bilang ng mga pumapasadang sasakyan sa kalsada.
Sa ilalim na inaprubahang taas pasahe na magiging P14 na ang minimum fare mula sa dating P13 sa unang apat na kilometro na may dagdag na P2 sa kada kilometro.
Habang sa mga modern jeepneys ang minimum fare ay magiging P17 na mula sa P15 na may dagdag na P2.40 sa kada kilometro.
Muling pinaalalahanan ni Lopez ang mga tsuper na ipatupad din ang 20 percent na diskuwento sa mga estudyante at mga senior citizens.










