--Ads--
Nag-aalala ang Team Ryzza matapos makatanggap umano si Ryzza Mae Dizon ng mga mensaheng may pagbabanta mula sa hindi kilalang sender.
Batay sa mga screenshot na ibinahagi sa Facebook page ng team, humingi umano ng ₱20,000 ang sender para sa operasyon ng anak nito at nagbantang idamay ang pamilya ni Ryzza kapag hindi naibigay ang pera.
Nanawagan ang Team Ryzza sa publiko na mag-ingat at manatiling mapagmatyag. Hindi pa nakukumpirma ang pagkakakilanlan ng sender at kung naiulat na ang insidente sa mga awtoridad.








