Sakit sa puso ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2026, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ayon sa PSA, 14,921 ang nasawi dahil sa ischaemic heart diseases mula Enero hanggang Pebrero, na katumbas ng 26.6% ng kabuuang naitalang pagkamatay sa bansa sa naturang panahon.
Pumangalawa ang pneumonia na may 5,222 nasawi o 9.3%, habang nasa ikatlong puwesto ang cerebrovascular diseases na may 4,420 o 7.9%.
Samantala, ikaapat ang neoplasms o cancer at iba pang abnormal na tissue growth na may 4,293 nasawi, habang ikalima ang diabetes mellitus na may 2,795 o limang bahagdan.
Nilinaw naman n g PSA na provisional pa ang mga datos at maaari pang magbago habang patuloy na pinoproseso ang mga death registration.
Inaasahan namang ilalabas ang final report sa Enero 2028.











