--Ads--

Pinagtibay ng Second Division ng Sandiganbayan ang nauna nitong desisyon na ibasura ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na ipawalang-bisa ang kasong graft laban sa kanya kaugnay ng umano’y kickback sa mga flood control project.

Ibinasura rin ng korte ang kanyang mga mosyon na ipatigil ang pagdinig ng kaso.

Sa resolusyong isinulat ni Presiding Justice Geraldine Econg, wala naiharap si Estrada na bagong ebidensiya o legal na batayan upang baligtarin ang naunang desisyon.

Iginiit ni Estrada na kulang ang criminal information dahil hindi umano malinaw ang kanyang naging partisipasyon sa kaso.

--Ads--

Ngunit sinabi ng korte na ang mga isyung ito ay dapat pag-usapan sa paglilitis at hindi batayan para ibasura ang kaso.

Ayon sa prosekusyon, tumanggap umano sina Estrada at dating Public Works Secretary Manuel Bonoan ng kickback kapalit ng paglalaan ng pondo ng gobyerno sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Samantala, nahaharap din si Estrada sa hiwalay na kasong plunder na walang piyansa.