--Ads--

Ipinagtanggol ng chief of staff ni Senador Jinggoy Estrada ang pagbabakbak at pag-alis ng mga kagamitan sa dating tanggapan ng Senate President Pro Tempore sa 6th floor ng Senado, na aniya’y bahagi ng standard practice sa Mataas na Kapulungan.

Ayon sa kampo ni Estrada, ipinaalam nila sa tanggapan ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III bago ang deadline noong Oktubre 5 ang paglipat ng mga fixture, kagamitan at materyales sa bagong opisina ni Estrada.

Kabilang dito ang floor tiles, glass panels, lighting fixtures at cabinets na karamihan umano ay binili gamit ang personal na pondo ni Estrada dahil hindi sapat ang budget ng Senado para sa lahat ng gastusin.

Iginiit ng kampo ni Estrada na wala umanong ginamit na kahit isang sentimo mula sa pondo ng bayan sa mga naturang kagamitan.

--Ads--

Sinabi rin nilang bare na ang opisina nang unang i-turnover kay Estrada noong 2022 at bahagi umano ito ng matagal nang practice sa Senado.

Dagdag pa ng kampo, may mga nauna na ring insidente ng pag-alis ng fixtures at materyales sa mga nabakanteng opisina ng mga senador.