--Ads--

Itinakda ng Sandiganbayan Fifth Division ang iskedyul ng pagmamarka ng ebidensya at iba pang pagdinig sa kasong plunder laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pang akusado.

Isasagawa ang exhibit marking sa Hulyo 3, 10, at 24, sa ganap na 9:00 ng umaga at 1:00 ng hapon. Nakatakda naman ang bail hearing sa Hulyo 8, 9, 13 hanggang 17, 20, at 27 hanggang 30, ganap na 1:00 ng hapon, habang magpapatuloy ito sa Hulyo 31 sa ganap na 9:00 ng umaga.

Bago ang mga ito, isasagawa ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa Hunyo 30.

Kabilang sa kapwa akusado ni Estrada sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at ilang opisyal ng engineering sa Metro Manila.

--Ads--

Mariin namang itinanggi ni Estrada ang mga paratang at iginiit na may kaugnayan umano ito sa kanyang posisyon sa “independent majority bloc” sa Senado.