--Ads--

Inilarawan ng Schools Division Office (SDO) Isabela bilang “very satisfactory” ang ipinamalas na husay ng mga atleta ng dibisyon sa katatapos na Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet 2026 na ginanap sa Lungsod ng Santiago.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Benjamin Paragas ng Department of Education Region 2, sinabi niya na maliban sa technical skills ay kapansin-pansin din umano ang maturity ng mga atleta kung saan nakita nila ang pagpapakumbaba ng mga atletang nakasungkit ng medalya habang marunong umanong tumanggap ang ilan sa kanilang pagkatalo.

Aniya, malaking bagay ang cash incentives na ibinibigay ng bawat local government units sa mga medalist sa CAVRAA subalit naniniwala siya na ang motibasyong manalo ng mga atleta ay dahil sa kanilang pagmamahal sa kanilang sports at pagnanais na makagawa ng pangalan sa kanilang larangan.

Pinuri rin ni Paragas ang mga technical officials sa paggampan ng kanilang tungkulin ng buong husay upang matiyak na maging malinis at matagumpay ang naturang Palaro.

--Ads--