Arestado sa kasong Robbery with Force upon Things ang isang security guard sa lungsod ng Cauayan, nitong Hunyo 9.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, ang suspek ay 25-anyos na lalaki, security guard, na residente ng Barangay District 3, Cauayan City.
Naging matagumpay ang pagkaka aresto sa suspek sa pagtutulungan ng Cauayan City Police Station, Provincial Investigation and Detective Management Unit– Isabela Police Provincial Office (PIDMU-IPPO), Regional Intelligence Division 2 (RID2), Regional Maritime Unit 2 (RMU2), Isabela Isabela Provincial Highway Patrol Team, at 2nd IPMFC sa bisa ng mandamiyento de aresto na inisyu ng hukom noong April 15, 2026 sa kasong nabanggit na mayroong pyansang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ipinagbigay alam naman ng pulisya ang karapatan ng suspek kaugnay sa RA 9745 – Anti-Torture Act of 2009.
Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Samantala, sinikap din ng Bombo News team na makuhanan ng pahayag ang suspek subalit wala siya sa detention facility at posibleng kasalukuyan pa ang bookings.











