Na-deploy na ang mga kapulisan sa limang sementeryo sa Lungsod ng Santiago para sa pagtiyak ng seguridad ngayong Undas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Arnel Bautista, Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), sinabi nito na kabilang sa pinakatinututukan nila ay ang Santiago Public Cemetery sa Barangay Caloocan na inaasahang pinakadadagsain ng mga tao.
Maliban sa sementeryo ay mayroon din silang deployment sa mga simbahan, bus terminals, at iba pang major thoroughfares upang mas masiguro ang ligtas na paggunita ng Undas.
Mayroon naming ipinatupad na rerouting o one-way traffic scheme sa ilang mga daanan papuntang sementeryo sa pangunguna ng Department of Public Order and Safety (DPOS).
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagdadala ng mga deadly weapon, alak, at maiingay na mga kagamitan gaya ng speaker o karaoke.
Sa ngayon ay wala naman silang naitatalang anumang paglabag.











