Pinag-aaralan ni Senador Erwin Tulfo kasama ang mga senador na kaalyado ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang posibleng pananagutan ng ilang indibidwal na sangkot sa umano’y pagdaraos ng Blue Ribbon Committee hearing ngayong araw, na maaaring umabot sa kasong usurpation of authority o iligal na pag-angkin ng kapangyarihan.
Ayon kay Tulfo, kung simpleng press conference lamang ang naturang aktibidad ay saklaw ito ng kalayaan sa pamamahayag, ngunit iginiit niyang posibleng may layuning guluhin ang pamahalaan at magpakalat ng akusasyon laban sa Pangulo at ilang opisyal.
Giit pa ng senador, hindi ito maituturing na opisyal na pagdinig dahil wala umanong committee secretariat at hindi na rin maaaring pamunuan nina Senadora Pia Cayetano at Senador Rodante Marcoleta ang Blue Ribbon Committee matapos ideklarang bakante ang mga posisyon noong Hunyo 3.











