Kinuwestiyon ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero ang hindi pagtutugma ng kabuuang net worth na idineklara nina Vice President Sara Duterte at Manases Carpio sa kanilang joint SALN at ng mga bank transactions na nakapangalan sa kanila.
Batay sa testimonya ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronel Buenaventura sa ika-34 na araw ng impeachment trial nitong Martes, sinabi ni Escudero na umabot sa ₱424 milyon ang pumasok at lumabas sa bank accounts ng mag-asawa mula 2022 hanggang 2025.
Gayunman, ₱336 milyon lamang umano ang kabuuang net worth na nakasaad sa kanilang SALN sa parehong panahon.
Samantala, umabot naman sa ₱4.4 bilyon ang covered at suspicious bank transactions nina Duterte at Carpio mula 2007 hanggang 2025, habang nasa ₱840 milyon lamang umano ang pinagsamang net worth na nakasaad sa kanilang SALN sa naturang panahon.
Tinanong ni Escudero si Buenaventura kung paano maaaring ipaliwanag ang malaking diperensya sa pagitan ng kanilang idineklarang net worth at bank transactions, ngunit sinabi ng AMLC official na hindi niya ito maipaliwanag.











