--Ads--

Binigyang-diin ni Atty. Dino de Leon na may matibay na batayan ang kasong plunder na inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay Senador Rodante Marcoleta, lalo pa’t ang ilang ebidensyang nagpapatunay sa paglabag ay nagmula mismo sa senador.

Dahil dito, naniniwala si De Leon na hindi na dapat makilahok ang suspendidong senador sa impeachment trial.

Dagdag pa niya, marapat ding ipatigil ang operasyon at i-hold ang pondo ng opisina nito dahil hindi naman ito makakakilos nang wala ang mambabatas.

Gayunpaman, nilinaw niya na kinakailangan muna ng warrant of arrest sa naturang kaso upang tuluyang maipatupad ang pansamantalang suspensyon ni Marcoleta sa Senado.

--Ads--