--Ads--

Kinuwestiyon ni Senator-Judge Robinhood Padilla ang AMLC Executive Director na si Atty. Ronel Buenaventura kung natapos na ng ahensya ang imbestigasyon nito sa mga kahina-hinalang transaksyong iniuugnay sa mga kumpanyang konektado kay Vice President Sara Duterte.

Sa ika-34 na araw ng impeachment trial nitong Martes, binanggit ni Padilla ang kanyang background bilang criminology graduate habang tinatanong si Buenaventura tungkol sa proseso ng AMLC sa pagsusuri ng mga kahina-hinalang transaksyon.

Ayon kay Padilla may apat na hakbang sa kanilang larangan, inquiry, investigation, evaluation at conclusion, at nais niyang malaman kung nasaan na ang AMLC sa naturang proseso.

“Ako naman po ay hindi abogado pero ako po ay criminology graduate. Doon naman po ako bumabagsak sa law enforcement. Sa amin, meron apat na bagay. Una, inquiry, investigation, evaluation, then conclusion. Kayo po sa AMLC, asan na po kayo doon? saad ng Senador.

--Ads--

Sinagot naman ni Buenaventura ang mga tanong ni Padilla kaugnay sa estado ng pagsusuri ng AMLC sa mga transaksyong inilatag sa impeachment trial.