--Ads--

Magpapasya ang Senado ngayong linggo kung ipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Nobyembre 2026.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, pag-uusapan din ng Senado ang panukalang palawigin mula apat hanggang limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Sinabi ni Sen. Gatchalian na kinakailangang magkaroon ng desisyon bago matapos ang linggo dahil nakatakda sa katapusan ng buwan ang filing ng certificates of candidacy.

Ipinaliwanag niya na kung maaaprubahan ang panukala, kailangan pa itong dumaan sa bicameral conference committee, pagtitibayin ng Senado at Kamara, at mailathala bago tuluyang maging batas.

--Ads--

Isa sa mga nakikitang benepisyo ng pagpapaliban ng BSKE ang pagtitipid sa pondo ng pamahalaan dahil maiiwasan ang gastos para sa isang election cycle.

Samantala, sinabi ng Commission on Elections o Comelec na nakagastos na ito ng humigit-kumulang walong bilyong piso mula sa 19-bilyong pisong budget para sa BSKE.

Ayon naman kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, posibleng hindi na magamit ang ilang election supplies, kabilang ang indelible ink, sakaling ipagpaliban ang halalan.