--Ads--
Nakipagpulong si Senate President Tito Sotto sa mga miyembro ng majority bloc kaugnay ng posibleng pag-usad sa Senado ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sotto, nais lamang niyang bigyan ng maagang abiso ang kanyang mga kasamahan hinggil sa maaaring pagtanggap ng Articles of Impeachment mula sa House of Representatives. Giit niya, mahalagang makapaghanda ang mga senador bilang mga senator-judges.
Dagdag pa ni Sotto, kasalukuyan siyang sumasailalim sa isang crash program tungkol sa Rules of Court upang maiayon ito sa umiiral na mga alituntunin ng Senado.











