Inanunsyo ni Senator Erwin Tulfo na ililipat sa June 8 ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Comm Hunyo 8, Lunittee sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Tulfo, layunin ng paglipat ng petsa na mabigyan ng sapat na panahon ang mga miyembro ng komite para maghanda at masuri ang mga imbitadong resource persons para sa pagdinig.
Matatandaang sinabi naman ni Senador Pia Cayetano na magpapatuloy ang imbestigasyon sa Hunyo 4, 2026, Huwebes.
Kabilang sa mga inimbita sa pagdinig sina dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, 18 dating Marine personnel na nagsabing naghatid sila ng suhol sa ilang opisyal ng gobyerno, at dating assistant engineer Brice Hernandez ng Bulacan 1st District Engineering Office na nag-uugnay sa ilang mambabatas sa isyu.
Samantala, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na layunin umano ng Senate shakeup na harangin ang pagpapatuloy ng imbestigasyon, at iginiit na itutuloy pa rin nila ang pagdinig sa Huwebes ng alas-10 ng umaga.











