--Ads--

Posibleng ipagpaliban ng Senate impeachment court ang nakatakdang botohan sa Setyembre 23 kaugnay ng bilang ng boto na kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay court spokesperson Regie Tongol, may ilang senator-judge na humihiling ng dagdag na oras upang mapag-aralan ang usapin dahil isasagawa pa lamang sa Setyembre 23 ang oral arguments.

Apat na dating mahistrado ang inimbitahang amici curiae o friends of the court upang magbigay ng opinyon sa conviction threshold. Tatlo sa kanila ang nagsabing hindi dapat awtomatikong 16 na boto ang requirement, habang iginiit naman ni retired Associate Justice Adolf Azcuna na manatili ang 16-vote threshold.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, kailangan ang two-thirds concurrence ng lahat ng miyembro ng Senado para sa conviction sa impeachment case.

--Ads--

Maaari umanong humiling ang mga senator-judge na i-defer ang botohan at isagawa ito sa ibang araw sa susunod na linggo.