Uminit ang tensyon sa Senado matapos kuwestiyunin ni Senador Erwin Tulfo ang umano’y pagmamadali ng mayorya sa pagpapatibay ng mosyon na magpapahintulot sa remote participation ng mga senador sa plenary sessions.
Sa gitna ng kaniyang talumpati, binanggit ni Tulfo ang ulat na posibleng maharap sa kasong plunder sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Joel Villanueva kaugnay ng isyu sa flood control projects, dahilan upang magkaroon ng reaksyon sa loob ng session hall.
Makikita ring lumapit si Senador Jinggoy Estrada kina Senador Bong Go at Senador Robin Padilla matapos mabanggit ang kaniyang pangalan.
Kasunod nito ay pinangunahan ni Senador Migz Zubiri ang pag-walkout ng minority bloc. Kabilang sa lumabas ng plenaryo sina Senators Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian, Ping Lacson, JV Ejercito, at Erwin Tulfo.
Nanatili naman si Senate Minority Leader Tito Sotto III upang igiit na wala nang quorum sa plenaryo at dapat nang i-adjourn ang sesyon.
Ang naging walkout ay bunsod ng matinding debate kaugnay sa panukalang amyenda sa Senate Rules na magpapahintulot sa mga senador na makadalo at makaboto sa sesyon sa pamamagitan ng video conferencing sa ilalim ng “justifiable reason.”
Kinuwestiyon nina Lacson, Pangilinan, Hontiveros, at Sotto ang umano’y pagra-rush sa panukala dahil hindi pa umano pormal na nabubuo ang Rules Committee at wala pang sapat na deliberasyon hinggil dito.
Iginiit naman ni Senate President Alan Peter Cayetano na may kapangyarihan ang plenaryo na aksyunan agad ang naturang mosyon.
Lalong uminit ang debate matapos banatan ni Senador Rodante Marcoleta si
Dahil sa tensyon, pansamantalang sinuspinde ni Senadora Loren Legarda, na siyang presiding officer, ang sesyon bago tuluyang i-adjourn ang plenaryo makalipas ang ilang minutong pagtatalo.
Samantala, nanawagan naman si Tingog Party-list Representative Jude Acidre sa Senado na ituon ang pansin sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa halip na sa mga political conflict at isyu sa liderato ng kapulungan.











