--Ads--

Pinirmahan na ni Senate President Allan Peter Cayetano ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Sen. Cayetano, pormal nang tinanggap ng Senado ang impeachment complaint at agad itong isasailalim sa mga kinakailangang proseso alinsunod sa Artikulo 11, Seksyon 3 ng Konstitusyon.

Inatasan na rin ang Secretariat na isama sa calendar of business ang Articles of Impeachment para sa pormal na referral sa impeachment court.

Nakatakdang magtipon ang impeachment court sa Mayo 18, 2026, alas-3 ng hapon, upang simulan ang mga kaukulang pagdinig at deliberasyon kaugnay ng kaso.

--Ads--