Matagumpay ang isinagawang send-off ceremony ng Militar sa mga bagong opisyal at sundalo sa ilalim ng 5th Infantry Division Philippine Army.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt.Col. Melvin Asuncion ang Division Public Affairs Office o DPAO chief ng 5th Id, sinabi niya na naging abala ang militar sa iba’t ibang mga programa.
Nitong nakaraang Linggo ay isinagawa ng 17th IB ang Youth Leadership Summit sa Apayao kung saan nasa animnapung kabataang lider ang lumahok sa pangunguna ng Provincial Sanguninang Kaabataan Federation.
Ikinasa rin ang Send-off ceremony sa mga bagong sundalo at ilang opisyal sa iba’t ibang unit ng 5th ID kung saan 20 ang 2nd Lt. at 122 ang Private.
Maliban dito ay ang pagbibigay ng Educational Assistance na nagkakahalaga ng limang libong piso sa mga anak ng dating mga kasapi ng CPP-NPA-NDF.