--Ads--

Nasungkit ng Sibol Pilipinas ang bronze medal sa Honor of Kings sa 2026 Asian Games matapos matalo sa China, 0-2, sa semifinals sa Aichi-Sky Expo Hall.

Napasok ng Pilipinas ang semifinals matapos walisin ang South Korea, 2-0, sa quarterfinals noong Linggo, na naggarantiya na ng medalya para sa bansa.

Masyadong malakas ang China para sa Sibol at kinuha ang dalawang laro para umabante sa gold medal match. Awtomatikong bronze medal ang napunta sa dalawang koponang natalo sa semifinals.

Ito na ang ikalawang bronze medal ng Philippine esports sa Asian Games matapos mag-bronze ang Pokémon Unite team noong Linggo.

--Ads--