--Ads--

Nanawagan si Senate President Win Gatchalian ng mas mahigpit na regulasyon sa pag-iisyu at pag-iingat ng mga baril kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa South Cotabato na ikinasawi ng tatlong estudyante.

Sa kaniyang privilege speech sa Senado, hiniling ni Gatchalian na repasuhin ang mga patakaran sa pagmamay-ari, pag-iingat at pag-iimbak ng mga baril ng mga tauhan ng gobyerno upang matiyak na hindi ito mapupunta sa mga hindi awtorisado, lalo na sa mga bata.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng maagang pagtukoy at pagbibigay ng suporta sa mga kabataang dumaranas ng mental health struggles upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa iba.

Hinimok din ng Senate President ang publiko na manatiling kalmado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at tiyaking tama ang impormasyong ibinabahagi kaugnay ng insidente.

--Ads--

Kasabay nito, nanawagan siya sa Meta na pigilan ang pagkalat ng mga video na may kaugnayan sa mga insidente ng karahasan sa social media.

Suportado rin ni Gatchalian ang pagpapatibay ng Comprehensive School Safety Act at Child Online Safety Protection Act upang higit na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa karahasan at iba pang panganib sa loob at labas ng paaralan.