--Ads--
Dinala sa pagamutan ang head coach ng San Antonio Spurs na si Gregg Popovich.
Ayon sa kaanak nito, kumakain ang 76-anyos na beteranong coach sa isang restaurant ng bigla itong nawalan ng malay.
Agad na tumawag ng emergency ang may-ari ng kainan at dinala na ito sa pagamutan.
Kasalukuyan pa rin kasi nakakaranas ng epekto si Popovich mula sa kaniyang mild stroke noong nakaraang Nobyembre.
--Ads--
Magugunitang minabuti niyang magpahinga muna at hindi tututok sa pagiging coach ng Spurs.