--Ads--

Dismayado si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa pagtanggi ng Senado na tanggapin ang inilabas nitong subpoena.

Ang subpoena ay inisyu upang makuha ang CCTV footage at iba pang records mula sa Senado bilang bahagi ng imbestigasyon sa naganap na shooting incident sa loob ng kapulungan.

Kasabay nito ang ipinatupad na suspensiyon ng Ombudsman kay Senate Acting Sergeant-at-Arms Chief Mao Aplasca kaugnay pa rin ng nasabing insidente.

Ayon kay Remulla, nagkaroon ng problema sa paghatid ng subpoena dahil tumanggi umano ang Senado na tanggapin ito, sa kabila ng opisyal na abiso mula sa kanyang tanggapan.

--Ads--

Gayunman, nanindigan ang Ombudsman na para sa kanya ay itinuturing na “considered served” na ang subpoena kahit hindi ito tinanggap ng Mataas na Kapulungan.