--Ads--

Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang pangangailangan ng mas malawak na paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño, at sinabing hindi sapat ang pag-iipon lamang ng tubig-ulan sa mga balde.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Baungon nitong Miyerkules, nagbabala si Duterte na maaaring maapektuhan ng matinding tagtuyot ang agrikultura, suplay ng pagkain at kuryente sa bansa.

Ayon sa bise presidente, dapat maghanda ang mga magsasaka ng mga pananim na kayang mabuhay sa tuyong kondisyon at magkaroon ng contingency plan sakaling mawalan ng tubig ang mga irigasyon.

Nauna nang ipinagtanggol ng Malacañang ang mungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-ipon ng tubig-ulan sa mga balde bilang paghahanda sa Super El Niño.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na kailangan umano ng mga kritiko ng pangulo ng “baldeng utak” upang maunawaan ang kanyang mga plano.