--Ads--

Nanguna sa unang yugto ng 2026 Tour of Luzon ang Syrian cyclist na si Yousef Ibrahiem Alrefai ng LCW UAECycle matapos niyang maitala ang oras na 3:36:25 sa karera nitong Miyerkules sa Southern Luzon.

Ang opening stage na may layo na humigit-kumulang 150 kilometro ay nagsimula sa CaSoBe sa Calatagan, Batangas at nagtapos sa Tagaytay City Praying Hands.

Kasama ni Alrefai sa podium ang kanyang teammate na si Nikita Schulchenko na pumangalawa matapos lamang ng apat na segundo, habang si Douglas Hannay ng Excellent Noodles Cycling Team ay pumangatlo.

Nasa top five din ang mga Pilipinong sina Jericho Jay Lucero at Rench Michael Bondoc ng Go for Gold Philippines.

--Ads--

Sa ikalawang yugto ng karera, magtutungo ang mga siklista mula Clark, Pampanga patungong New Clark City sa Tarlac sa Huwebes.