--Ads--

Napigilan ang tangkang pagpapatalsik kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang Lider ng Senado.

Inamin mismo ni Sotto na nagkaroon ng pagtatangka na patalsikin siya sa puwesto na napigilan lamang ng mga kasamahan niya sa mayorya.

Sa selfie ni Pangilinan na ipinost sa Facebook, siyam na miyembro lamang ng mayorya ang nasa meeting na kinabibilangan niya, Sotto, Senators Loren Legarda, Bam Aquino, Panfilo Lacson, JV Ejercito, Juan Miguel Zubiri, Risa Hontiveros at Win Gatchalian.

Si Legarda ang sinasabing gustong ipalit kay Sotto.

--Ads--

Bago ang panayam kay Sotto, si Legarda ang umupong presiding officer at nagsara ng sesyon kahapon.

Sinabi naman ni Sen. Pia Cayetano na dapat ay ang mga pasimuno ng tangkang kudeta ang tanungin sa isyu.

Pero walang pina­ngalan si Cayetano kung sino ang mga sinasabi niyang “instigators.”