--Ads--

Umarangkada ang Philippine aviation industry matapos maitala ang pinakamabilis na paglago sa Southeast Asia noong Abril, ayon sa isang aviation analyst.

Batay sa datos ng OAG aviation market data, umabot sa 5.82 million ang flight capacity ng Pilipinas, pangatlo sa rehiyon kasunod ng Indonesia at Thailand. Nakapagtala rin ang bansa ng pinakamalaking pagtaas sa isang buwan na may 687,000 karagdagang seats o 13.4% na paglago kumpara noong nakaraang taon.

Pinakamalakas din ang paglago sa domestic flights na tumaas ng 16% o 4.15 milyong upuan, taliwas sa regional trend ng pagbaba.

Samantala, nanatiling isa sa pinakaabalang paliparan sa rehiyon ang NAIA na may 2.91 milyong pasahero noong Abril.

--Ads--

Sa mga airline, nanguna ang AirAsia sa kapasidad, kasunod ang Cebu Pacific na nakapagtala ng 20% pagtaas sa seats. Gayunman, inaasahang rerebyuhin ng ilang airlines ang kanilang target dahil sa mataas na presyo ng jet fuel at paghina ng demand sa ilang merkado.