--Ads--

Tatlo na ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang sugatan matapos ang pagsabog sa Purok Raniag, Barangay Sinamar, Roxas, Isabela dakong alas-9:00 ng umaga nitong Oktubre 4.

Kabilang sa mga nasawi sina John Mark M. Peralta, John Yohan J. Binuyat at Emmanuel C. Disamito, batay sa inilabas na pahayag ng Sangguniang Kabataan ng lugar.

Nauna nang naiulat na isang 85-anyos na babae at iba pang menor de edad ang nasugatan sa insidente at isinugod sa pagamutan para sa kaukulang lunas.

Batay sa paunang impormasyon, isang malakas na pagsabog ang narinig sa lugar kung saan natagpuan ang mga biktima. May mga ulat din mula sa ilang residente na may napulot umanong metal na bagay ang ilang bata bago naganap ang insidente.

--Ads--

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, kabilang ang EOD at forensic teams, upang matukoy ang uri at pinagmulan ng bagay na sumabog.

Wala pa ring opisyal na kumpirmasyon kung anong uri ng pampasabog o explosive device ang sangkot sa insidente.