--Ads--

Pormal nang isinumite ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Senado ang tax records ni Vice President Sara Duterte bilang pagsunod sa subpoena na inilabas ng impeachment court kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment trial.

Ayon sa ulat, dinala ng mga tauhan ng BIR ang mga dokumento na nakalagay sa isang pulang kahon sa Senate building sa Pasay City ngayong Hulyo 30, bago ang itinakdang deadline ng korte.

Inaasahan namang pormal na tatanggapin ng Senate Clerk of Court ang mga dokumentong isinumite ng ahensya.

Matatandaang naglabas ng mga subpoena ang impeachment court para sa tax at bank records ni Duterte, kabilang sa mga inatasang magsumite ng mga dokumento ang BIR, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang bangko, na binigyan hanggang Hulyo 30 upang tumalima sa kautusan ng korte.

--Ads--