Nanguna si Taylor Swift sa kauna-unahang listahan ng Spotify ng Most Streamed Artists of All Time, ayon sa inilabas nitong datos.
Pumangalawa si Bad Bunny, habang nasa ikatlong puwesto naman si Drake. Kumpleto ang top five nina The Weeknd at Ariana Grande.
Pasok din sa top 10 sina Ed Sheeran, Justin Bieber, Billie Eilish, Eminem, at Kanye West.
Samantala, kabilang naman sa top 20 sina Travis Scott, BTS, Bruno Mars, Rihanna, at Coldplay.
Ayon sa Spotify, unang beses inilabas ang naturang mga listahan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-20 anibersaryo, batay sa pinagsama-samang datos ng pakikinig ng milyun-milyong users sa buong mundo hanggang Abril.
Sa hiwalay na tala, nanguna rin si Bad Bunny sa Most Streamed Albums of All Time sa pamamagitan ng kanyang album na Un Verano Sin Ti, habang kabilang din sa listahan ang kanyang album na YHLQMDLG.





