Pormal nang nagsimula ang kampanya ng Team Philippines sa 20th Asian Games matapos magmartsa ang mga atleta, coaches at sports officials sa opening ceremony sa Paloma Mizuho Park Athletic Stadium sa Nagoya, Japan nitong Sabado.
Pinangunahan nina Olympic bronze medalist boxer Aira Villegas at weightlifter Albert Ian Delos Santos ang delegasyon bilang flagbearers ng Pilipinas sa Parade of Nations.
Nasa ika-30 puwesto ang Pilipinas sa parada, habang nakamit na ng bansa ang unang medalya nito bago pa man ang opisyal na pagsisimula ng mga torneo matapos umabante sa semifinals ang women’s soft tennis team.
Nakatakdang sumabak ang mga atletang Pinoy sa iba’t ibang laro ngayong Linggo, kabilang ang women’s basketball, beach at indoor volleyball, teqball, wushu at triathlon.











