--Ads--

Nagtapos sa ika-anim na puwesto ang Team Philippines sa men’s artistic gymnastics team final ng 2026 Asian Games matapos makapagtala ng 227.359 pts sa Nagoya, Japan.

Pinangunahan ng magkapatid na Carlos at Eldrew Yulo ang koponan na hindi nakapasok sa podium. Nagkampeon ang China na may 255.095 pts, silver ang host Japan sa 254.026, habang bronze ang Chinese Taipei sa 239.896.

Pinakamataas na score ng Pilipinas si Carlos Yulo sa floor exercise matapos makapagtala ng 14.266 pts.

Nagtala rin siya ng 14.566 sa vault, 14.166 sa parallel bars at 13.333 sa rings.

--Ads--

Nakapasok naman sa team final ang Pilipinas sa unang pagkakataon sa Asian Games, ayon kay Carlos Yulo, na itinuring itong magandang resulta para sa koponan.

Nakatakda pa ring sumabak sina Carlos at Eldrew Yulo at Miguel Besana sa kanilang mga individual finals ngayong linggo.