--Ads--

Pinabagsak ng Pinoy Boxer na si Three-division world champion Johnriel “Quadro Alas” Casimero ang Mexican Boxer na si Saul Sanchez sa first round palang ng kanilang laban sa Yokohama, Japan.

Una rito ay dalawang beses na na-knockdowns ng Pinoy Boxer ang Mexican Boxer sa unang round at humantong ito sa technical knockout ni Sanchez.

Bago ang round 1 TKO na panalo ni  Casimero laban kay Sanchez, dalawang beses na sumablay sa cut ang dating world champion sa official weigh-in sa Japan.

Sa kabila ng pangalawang pagtatangka makalipas ang dalawang oras, sobra pa rin sa timbang si Casimero sa 55.9 kilo.

--Ads--

Alinsunod sa mga panuntunan ng Japan Boxing Commission at gaya ng napag-usapan ng magkabilang kampo, si Casimero ay binigyan ng isa pang pagkakataon na may karagdagang timbang nagbigay daan ito para sa isang non-title bout.

Ang tagumpay na ito ay nagmarka sa isang mahalagang sandali sa karera ni Casimero nang bumalik siya sa ring pagkatapos ng isang taon.

Ang kanyang huling tagumpay ay noong Mayo 2023 laban kay Fillipus Nghitumbwa.